Bam Aquino · @bamaquino.ph

Posted 9 months ago
350.22K followers
311.4K views
44.7K likes
601 comments
1.68K shares

𝐌𝐀𝐘 𝐊𝐑𝐈𝐒𝐈𝐒 𝐒𝐀 𝐄𝐃𝐔𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍. 𝐀𝐓 𝐈𝐓𝐈𝐍𝐀𝐊𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐈𝐓𝐎 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐆𝐄𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐃𝐎. Kahapon ay nagbigay tayo ng privilege speech para ilahad ang lumalalang krisis sa edukasyon — mula sa kakulangan ng classrooms at learning materials, hanggang sa limitadong suporta para sa mga guro, at iba pang isyu sa edukasyon. 𝐍𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚 𝐬𝐞𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐧𝐚 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐬𝐞𝐤𝐭𝐨𝐫 𝐧𝐠 𝐞𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧. Malinaw ang mensahe: may krisis sa edukasyon at sama-sama natin itong tutugunan sa senado. Hindi ito nagtatapos sa privilege speech. Simula pa lang ito ng sama-sama nating pagkilos para sa repormang matagal nang hinihintay ng ating mga kabataan at guro.