JR Dela Peรฑa โ˜‘ ยท @jrcdelapena

็”ฑ...็™ผๅธƒ 1 ๅคฉ ไน‹ๅ‰
142.75K ็ฒ‰็ตฒ
1.36K views
22 likes
0 comments
7 shares

๐—–๐—–๐—ง๐—ฉ ๐—™๐—ข๐—ข๐—ง๐—”๐—š๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—›๐—ข๐—›๐—ข๐—Ÿ๐——๐—”๐—ฃ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—š๐—” ๐—•๐—จ๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ฅ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐——๐—œ, ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก Lumabas na ang CCTV footage ng nangyaring panghoholdap kanina sa Baga Burger sa Brgy. Siling Bata, Pandi, Bulacan. Makikita sa video ang dalawang lalaking riding in tandem na parehong naka-helmet at nagpanggap na mga customer. Umorder muna sila ng burger upang hindi makahalata ang nag-iisang babaeng crew na naka-duty sa loob ng establishment. Habang abala ang crew sa paghahanda ng order, palihim na dinukot ng isa sa mga suspek ang lock ng pinto at binuksan ito. Pagkatapos ay sabay nilang hinarap ang biktima at kinuha umano ang kanyang cellphone at perang nasa tindahan. Hindi basta sumuko ang babae at sinubukan niyang manlaban, dahilan upang siya ay saktan ng mga suspek sa gitna ng insidente. Sa gitna ng komosyon, tila nataranta ang dalawang holdaper kaya agad silang lumabas ng establishment at mabilis na tumakas sakay ng kanilang motorsiklo. Naiwan namang humihingi ng saklolo ang biktima habang paulit-ulit na sumisigaw ng "Tulong!" Ayon sa ulat, nakuhanan din ng CCTV ang plaka ng motorsiklong ginamit ng mga suspek, na inaasahang makakatulong sa patuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan at mapanagot sila sa batas. ๐Ÿ“ฒ Drinotrip #Bulacan #Pandi #News #CCTV #KuyaJRTV