DPWHph · @dpwhph

Postado 2 dias atrás
45.16K seguidores
49.1K views
2.94K likes
90 comments
132 shares

𝐒𝐄𝐂. 𝐃𝐈𝐙𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍: ‘𝐖𝐀𝐆 𝐌𝐀𝐏𝐀𝐆𝐎𝐃 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐌𝐏𝐀𝐆 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐊𝐀𝐘𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐒𝐄𝐒, 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍’ 𝘗𝘢𝘨𝘩𝘪𝘬𝘢𝘺𝘢t 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘥𝘦𝘢𝘭𝘪𝘴𝘵𝘪𝘤, 𝘳𝘦𝘧𝘰𝘳𝘮-𝘮𝘪𝘯𝘥𝘦𝘥 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘶𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯, 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 Hinikayat ni Public Works Secretary Vince Dizon ang mga bagong graduate ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na ipagpatuloy ang panawagan sa pagbabago at reporma sa pamahalaan, upang matigil ang korapsyon at ibang iregularidad sa mga institusyon at proyekto. Nanawagan din si Secretary Dizon sa mga bagong hanay ng mga graduate na sumanib sa gobyerno dahil kailangan ang mga reform-minded at idealistic na lingkod bayan para maiangat ang antas ng serbisyo sa mga Pilipino, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hikayatin ang mga young professionals na pumasok sa public sector upang mabago ang sistema sa ng pamahalaan. "Make [your] voices be heard, loud and clear. That is the sliver of hope that this country is hanging on. You have in your hands the future of this country," saad ni Secretary Dizon sa ginanap na 2026 PUP Year-End Commencement Exercises.