DPWHph · @dpwhph

Postado 6 dias atrás
45.16K seguidores
242.8K views
8.15K likes
186 comments
510 shares

𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐘𝐎: 𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐆𝐄 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐑𝐋𝐀𝐂 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐌𝐔𝐋𝐈 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐕𝐄𝐇𝐈𝐂𝐋𝐄𝐒, 𝐏𝐄𝐃𝐄𝐒𝐓𝐑𝐈𝐀𝐍𝐒 𝘗𝘉𝘉𝘔: 𝘒𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘰𝘵𝘰𝘳𝘪𝘴𝘵𝘢, 𝘬𝘰𝘮𝘺𝘶𝘵𝘦𝘳, 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘶𝘩𝘪𝘯 Hindi na iikot pa sa malayo at masasayang ang oras ng mga motorista at komyuter para lang makapunta sa kanilang destinasyon matapos maikabit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang temporary bailey bridge sa Agana Bridge sa Tarlac City matapos itong masira dahil sa pagragasa ng Tarlac River dulot ng walang tigil na ulan noong nakaraang buwan. Nauna nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paspasan ang muling pagbubukas ng tulay na kritikal na daanan para sa mga motorista, komyuter, pedestrian at mga negosyante, na kailangan pang bumiyahe ng malayo dahil walang ibang madaanan. “Kawawang-kawawa po ang mga kababayan natin na umiikot pa ng Gerona kaya pinabantayan sa atin ni Pangulong BBM ito. Pinaspasan natin pero safety is still our priority," sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon, na iniutos ang pagpapatupad ng 10-ton weight limit, 20-kilometer per hour speed limit, at stop-and-go traffic scheme.