Postado 3 dias atrás
142.72K seguidores
514 views
9 likes
0 comments
0 shares
𝗖𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗧𝗨𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧, 𝟲 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗜𝗣𝗔𝗦 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 (Mistulang Ghost Town!) Noong masunog ang Cabanatuan City Public Market noong Abril 2020, marami ang umasa na agad itong maitatayong muli para makabalik sa normal na hanapbuhay ang mga vendor at negosyante. Ngunit ngayong 2026 na, hindi pa rin tapos ang proyekto at marami pa ring tanong ang nananatiling walang malinaw na sagot. Sa mga usap-usapan, may pangamba ang ilang negosyante na magiging mataas umano ang buwanang renta kapag natapos na ito. May nagsasabi rin na tila gagawing parang mall ang bagong public market, bagay na ikinababahala ng ilan dahil baka hindi na kayanin ng maliliit na tindero at tindera ang gastos. Habang patuloy ang paghihintay, umaasa ang mga Cabanatueño na matapos na ang proyekto at maging tunay na pampublikong pamilihan na abot-kaya para sa mga vendor at mamimili. Anim na taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtatanong: kailan nga ba ito matatapos? #CabanatuanCity #PublicMarket #NuevaEcija #PalengkeNgBayan #BalitangLokal