JR Dela Peña ☑ · @jrcdelapena

Diposting 3 hari-hari lalu
144.36K pengikut
695 views
7 likes
0 comments
1 shares

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗖𝗔𝗥𝗪𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗧𝗛𝗢𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗧𝗨𝗔𝗡-𝗖𝗜𝗥𝗖𝗨𝗠, 𝗣𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗦𝗨𝗘 Pinuntahan natin ngayong hapon ang madalas nating vinivideohan tuwing gabi sa Maharlika Highway, Circumferential Road, Cabanatuan City, Nueva Ecija. Mas maliwanag ngayon kaya mas malinaw nating nakita ang tunay na sanhi ng mga pothole. Akala ng iba dahil sa carwash kaya laging basa ang kalsada, pero hindi pala. May sarili silang drainage sa harap at hindi dun nanggagaling ang tubig. Ang tubig na nakikita sa daan ay tubig-ulan na naiipon sa gitna at matagal na nakababad sa kalsada, kaya unti-unting nabubutas ang aspalto. Putol kasi ang drainage canal hanggang dun lang sa may carwash. Kaya yung kabilang bahagi, walang daluyan ang tubig at naiipon lang sa kalsada. Dahil dun, sira-sira na ang portion na yun at delikado lalo na sa mga dumadaang motorista tuwing gabi. Hindi carwash ang may problema, kundi putol na drainage na kailangang madugtungan. Sana maayos agad ito ng DPWH para hindi na lumala ang sira at maiwasan ang aksidente. ⚠️ #CircumferentialRoad #MaharlikaHighway #CabanatuanCity #DrainageIssue #KuyaJRTV