DPWHph · @dpwhph

Diposting 2 hari-hari lalu
45.16K pengikut
4.58K views
117 likes
6 comments
0 shares

𝐃𝐏𝐖𝐇, 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐔𝐓𝐎𝐊 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐈𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀 𝐁𝐀𝐇𝐀, 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐌𝐈𝐓𝐈𝐆𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐌𝐄𝐀𝐒𝐔𝐑𝐄𝐒 𝘗𝘉𝘉𝘔: 𝘍𝘭𝘰𝘰𝘥 𝘮𝘪𝘵𝘪𝘨𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘢𝘴𝘶𝘳𝘦𝘴, 𝘵𝘪𝘺𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥 Walang tigil sa pagpapaigting ang pamahalaan ng Oplan Kontra Baha (OKB) at mga flood mitigation interventions gaya ng declogging, dredging, at desilting ng mga major waterways upang maibsan ang pagbaha sa mga flood-prone at low-lying areas tuwing tag-ulan. Nauna nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na siguruhing tuluy-tuloy ang ahensya sa paglilinis at pagpapanatiling maayos ang mga daluyan ng tubig para mabawasan ang perwisyo sa mga residente, motorista, estudyante, negosyo at mga komyuter. Patuloy na isinasagawa ng pamahalaan ang OKB at flood mitigating measures sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Calley, Central Luzon, Bicol at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.