Diposting 1 minggu lalu
18.72K pengikut
25.9K views
1.25K likes
36 comments
32 shares
𝐍𝐎 𝐌𝐎𝐑𝐄 𝐃𝐎𝐔𝐁𝐋𝐄-𝐒𝐇𝐈𝐅𝐓𝐈𝐍𝐆: 𝟑𝟔-𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒𝐑𝐎𝐎𝐌 𝐁𝐔𝐈𝐋𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐅𝐑𝐀𝐍𝐂𝐈𝐒𝐂𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐐𝐂, 𝐍𝐀𝐏𝐀𝐏𝐀𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐀 - 𝐏𝐁𝐁𝐌 𝘋𝘗𝘞𝘏, 𝘴𝘪𝘯𝘪𝘨𝘶𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘭𝘪𝘢𝘯𝘵 𝘴𝘢 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘉𝘶𝘪𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘊𝘰𝘥𝘦 𝘢𝘯𝘨 4-𝘴𝘵𝘰𝘳𝘦𝘺 𝘣𝘶𝘪𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 Mas ligtas at maayos na mga silid-aralan ang napapakinabangan na ngayon ng mga estudyante at guro ng San Francisco High School sa Quezon City nang bisitahin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Public Works Secretary Vince Dizon ang bagong four-storey, 36-classroom building, na ipinalit sa nasunog na gusali noong nakaraang taon. Ayon kay Secretary Dizon, siniguro ng ahensya na compliant sa National Building Code ang gusali para maiwasan na ang nangyaring sunog at tiyaking sapat ang magiging classrooms para sa mga mag-aaral na matagal nang nagtitiis sa double-shifting classes. “Our students really deserve something like this. It has inspired the President, Sec. Sonny, and myself, na talagang kung kaya naman ditong gawin, eh kayang gawin ito sa buong Pilipinas,” sabi ng Kalihim nang bisitahin ng Pangulo nitong June 10, 2026 ang nasabing paaralan kasama sina DepEd Secretary Sonny Angara at Quezon City Mayor Joy Belmonte.