DPWHph · @dpwhph

Diposting 1 minggu lalu
16.91K pengikut
166.7K views
6.65K likes
216 comments
248 shares

𝐈-𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐍’𝐘𝐎, 𝐀𝐀𝐊𝐒𝐘𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍: 𝐒𝐄𝐂. 𝐃𝐈𝐙𝐎𝐍, 𝐇𝐈𝐍𝐈𝐊𝐀𝐘𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐈𝐃𝐔𝐋𝐎𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐄𝐍𝐆𝐆𝐀, 𝐍𝐀𝐏𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐕’𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓𝐒 𝘗𝘢𝘳𝘵𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘶𝘮𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘵𝘢𝘮𝘢, 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘺𝘦𝘬𝘵𝘰 Nanawagan si Public Works Secretary Vince Dizon sa publiko na i-report ang mga hindi tama, naka-tengga at napabayaang proyekto para agad itong maaksyunan ng pamahalaan matapos ang viral video ng lubog na bahagi ng Arzadon Road sa Brgy. Mayombo, Dagupan City, Pangasinan na idinulog sa ahensya. “Kung ako lang, hindi ko ma-mo-monitor lahat ‘yan, impossible. Kaya importante ang citizens’ participation. Ang pangako natin, mabilis natin aaksyunan,” paghihikayat ni Secretary Dizon sa kanyang pagbisita sa Dagupan City.