DPWHph · @dpwhph

Diposting 3 minggu-minggu lalu
16.91K pengikut
410.8K views
10.4K likes
189 comments
363 shares

𝐏𝐁𝐁𝐌 𝐒𝐀 𝐃𝐏𝐖𝐇: 𝐀𝐘𝐔𝐒𝐈𝐍, 𝐏𝐀𝐓𝐈𝐁𝐀𝐘𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐑𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀 𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑 𝘔𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘪𝘨𝘪𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘭𝘰𝘨, 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘬𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘩𝘢 Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin at patibayin ang flood control project sa Pampanga upang maprotektahan ang mga barangay sa paligid ng Pampanga River mula sa matinding pagbaha, lalo na ngayong papalapit na ang tag-ulan. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na sisimulan na ang upstream interventions sa Pampanga River, habang minamadali na ang paglalagay ng gabions sa bahagi ng Brgy. Candating at pagbabaon ng 24-metrong sheet piles sa Brgy. Cupang upang mapatibay ang riverwalls at protektahan ang mga flood-prone areas sa Arayat, gayundin sa mga kalapit na bayan ng Mexico at San Fernando, Pampanga. “Based on the directive ni Presidente, kailangan gumawa na tayo ng mga solusyon upstream. Meron tayong limang dam at detention basins na gagawin upstream for 2027. Malaki ang maitutulong [nito] dahil doon pa lang sa itaas, napipigilan na ang daloy ng tubig pababa,” sinabi ni Secretary Dizon sa kanyang pag-inspeksyon ng mga proyekto sa lugar kasama si Vice Governor Dennis “Delta” Pineda.