Diposting 2 minggu-minggu lalu
12.64K pengikut
3.61K views
108 likes
4 comments
1 shares
𝐏𝐁𝐁𝐌 𝐒𝐀 𝐃𝐏𝐖𝐇: 𝐏𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐔𝐏𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆-𝐔𝐋𝐀𝐍 𝘊𝘭𝘦𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨, 𝘥𝘳𝘦𝘥𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘵𝘦𝘳𝘸𝘢𝘺𝘴, 𝘱𝘶𝘴𝘱𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘢 Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tiyaking mabilis ang paghupa ng baha sa mga low-lying at flood-prone areas sa buong bansa upang hindi maabala ang mga komunidad, motorista at mga komyuter dahil sa matinding pagbaha ngayong pumasok na ang rainy season. Tuluy-tuloy ang clearing at dredging operations gayundin ang pagpapalawak ng mga waterways gaya ng mga kanal, estero, drainage at mga ilog bilang bahagi ng Oplan Kontra Baha (OKB), para matiyak na walang nakabara sa mga ito at hindi makadagdag sa pagbaha. Nakatutok ang OKB initiative sa mga lugar na kadalasang matindi ang baha gaya ng Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Tarlac, at Naga, gayundin ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao tulad ng Cebu, Iloilo, Bacolod, Cagayan de Oro, at Maguindanao.