Publicado por 1 mes hace
6.38K seguidores
282 views
3 likes
0 comments
0 shares
𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐌𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐍𝐆𝐘𝐀𝐘𝐀𝐑𝐈 𝐒𝐀 𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐍𝐆 𝐄𝐗𝐀𝐌𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐑𝐎𝐎𝐌😊❤️ 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐓𝐎𝐑 ✅Pagpasok mo pa lang, si proctor na ang bahala sa seating arrangement. Alphabetical po ito. Mula sa kanan (kapag nakaharap ka sa board) pakanan... o pakaliwa depende sa pwesto, basta sundan mo lang sila. ✅Bago magsimula ang lahat, prayer muna. May tatawagin lang si proctor na magbabasa sa unahan. Sunod diyan, may ipapaikot na attendance sheet na 2-page, kaya dalawang beses kang pipirma. 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐑𝐎𝐖𝐍 𝐄𝐍𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐄 Brown Envelope: Isusulat mo rito ang pangalan, seat number, at application number galing sa iyong NOA. Hahawakan muna ito ni proctor mamaya para sa answer sheets. Plastic Envelope: Dito mo ilalagay ang mga unused scantrons para malinis at hindi mapunit o madumihan. NOA: Susulatan mo ng seat number sa taas (sa may box). Kokolektahin at ibabalik din nila ito kada subject para pirmahan. Tandaan: Huwag na huwag mong kalilimutang kunin ulit ang NOA mo bago lumabas sa huli! 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐂𝐀𝐍𝐓𝐑𝐎𝐍 Ibibigay na sa'yo ang scantron: 4 pages kung may majorship ka (BSED), 3 pages kung wala (BEED). Page 1: Dito ilalagay ang school history, graduation year, kung self-review o review center. May babasahin o isusulat ding parang confidentiality oath (na hindi mo ikakalat ang lumabas na exam). Ballpen ang gamit dito. Page 2 (GenEd): Sulatan ng "General Education" sa box (all caps, ballpen), tapos lapis na sa pag-shade ng mga bilog. Sakto lang ang scantron kaya bawal magkamali ng pahina o tapon. Page 3 (ProfEd): Ulitin ang tamang proseso. Page 4 (Majorship): Para sa mga may major. 𝐓𝐇𝐄 𝐓𝐈𝐌𝐄 ⏰GenEd: 8:00 AM – 10:00 AM (2 hrs) ➡️ 1 hr break ⏰ProfEd: 11:00 AM – 2:00 PM (3 hrs) ➡️ 1 hr break ⏰Majorship: 3:00 PM – 6:30 PM (3 hrs 30 mins) Best of luck, LPTs! Dalangin ko ang pagpasa mo sa board exam🙏❤️ #septlet2026 #SIRIAN #creatorsearchinsights #fypシ゚viral__