JR Dela Peรฑa โ˜‘ ยท @jrcdelapena

Verรถffentlicht 2 Stunden vor
146.7K followern
11 views
1 likes
0 comments
0 shares

๐—”๐—›๐—๐—”๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ช๐—ฆ ๐—”๐—™๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—–๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐—œ๐—ก๐—œ๐—œ๐— ๐—•๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—š๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿต ๐—ก๐—” ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก Nakakagigil at nakakadurog ng puso ang makikita sa isang contributed video ng isang galit na pet owner na ngayon ay kumakalat online. Makikita sa video ang hinagpis ng isang fur parent na nagbayad nang tama para mabigyan ng disenteng pamamaalam ang kanyang pinakamamahal na alaga, pero nauwi umano sa pagdududa matapos matagpuan ang labi ng 29 na alaga, 26 na aso at tatlong pusa, na nakalagay sa plastic sa isang bakanteng lote sa San Jose del Monte, Bulacan. Iniimbestigahan ngayon ang Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor City, Cavite. Ang naturang establishment ay rehistrado sa pangalan ni Jonathan Galaura Legaspi batay sa DTI registration at 2026 Bacoor City Mayorโ€™s Permit na lumabas sa mga pampublikong dokumento. Ayon kay Bacoor City Mayor Strike Revilla, ipinasara na ang naturang crematorium noong Oktubre 31 at inatasan na ang PNP na magsagawa ng imbestigasyon. Sa pulong kasama ang may-ari at mahigit 30 na pet owner, hindi umano nakapagpakita ng sapat na dokumento, CCTV footage at katibayan na naisagawa ang cremation. Hindi rin umano nabigyan ng katiyakan ang mga fur parent kung ang abong nasa urn na kanilang tinanggap ay talagang mula sa kanilang mga alaga. Isa sa mga pinaka-emosyonal na bahagi ng video ay ang kwento ng fur parent ni Ivy, kung saan kapareho umano ng pangalan at timbang na 14.6 kilogram ang nakasulat sa isa sa mga narekober na labi. Kaya marami ang nagtatanong, abo pa ba talaga ng alaga nila ang nasa kanilang tahanan. Paalala ng Philippine Animal Welfare Society, kung mapatunayan na siningil ang mga fur parent para sa cremation na hindi naman pala isinagawa, maaari itong pumasok sa kasong estafa. Patuloy pa ang imbestigasyon at hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng kabilang panig. ๐Ÿ“ฒ Contributed video, Bacoor City Government, Philstar, PAWS #AhjayPawsAftercare #JusticeForCSJDM29 #PetAftercareIssue #FurParent #KuyaJRTV