Veröffentlicht 1 Woche vor
33.54K followern
5.08K views
107 likes
2 comments
0 shares
𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆-𝐌𝐀𝐑𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀 𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑 𝐈𝐌𝐏𝐑𝐎𝐕𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓, 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐈𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀 𝘗𝘉𝘉𝘔, 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘯𝘴𝘵𝘳𝘶𝘬𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘧𝘭𝘰𝘰𝘥 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘰𝘭 𝘴𝘵𝘳𝘶𝘤𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘑𝘢𝘱𝘢𝘯 Nakatulong ang Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) upang hindi umapaw ang ilog at protektahan ang mga residente ng Marikina at Pasig mula sa matinding baha lalo nitong ilang linggo nang walang-tigil ang malakas na pag-ulan. Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DPWH, katuwang ang Japan International Cooperation Agency (JICA), ang konstruksyon ng mga flood mitigation structures sa kahabaan ng Marikina River na ngayon ay nasa 53% na ang construction progress. Kasama rin sa proyekto ang pagtatayo ng flood gates, pumping stations, at iba pang istruktura upang makontrol ang tubig sa Manggahan Floodway at tuluyang mabawasan ng humigit-kumulang 63% ang mga binabahang lugar na sakop ng Pasig-Marikina River Basin.