Posted 1 week ago
5.47M followers
892.2K views
98.7K likes
180 comments
620 shares
Just found myself crying over my youngest's graduation picture. PS. Walang ganito pa yong Kuya niya because I had to transfer him to another school immediately nong naghiwalay kami ng daddy nila. My eldest son had to take an exam sa DepEd para mag accelerate and makahabol sa school grade that he needs to be in. I'll leave this explanation here kahit di naman ako obligado magpaliwanag. Charing! Wala lang. Naiyak lang ako dahil bukod sa ang gwapo gwapo ng mga anak ko... naiisip ko... ang sarap sarap ng ganitong klaseng bayad sa lahat ng pagod ko.. Ang sarap sarap. Kahit mag isa akong tinataguyod sila, I have to be their mom and their dad as well.. never kong naisip na susuko akong maging magulang nila. Ang sarap sarap maging magulang ng mga anak ko.. Gusto kong isigaw yong pagpapasalamat ko sa Panginoon na binigyan ako ng mga anak.. dahil sila ang lakas ko sa lahat. Kung wala sila matagal na siguro akong tinapos ng kalupitan ng nakaraan. Thank You Lord! ❤️ Arte mo Meiko! Hahahahahaha pano nalang pag grumaduate na ng college baka maglupasay nalang talaga. 🤣