Posted 1 week ago
2.35M followers
1.2M views
95.2K likes
267 comments
764 shares
Never ko itong shinare sa public but right now sige Happy Mother’s Day sa lahat ng mommy 🤍 At para rin sa mga katulad ko na naging ina kahit hindi nabigyan ng pagkakataong makasama nang matagal ang anak nila. Matagal na ang lumipas pero may mga sakit talagang hindi nawawala. Tahimik ka lang minsan, naka ngiti, nagtatrabaho, tuloy ang buhay pero may parte sayo na hindi na talaga naging buo ulit. I experienced ectopic pregnancy at hanggang ngayon dala dala ko pa rin yung sakit na yun. Hindi man nakita ng marami kung gaano kahirap yung pinagdaanan ko physically at emotionally pero araw araw ko siyang dala. Yung pakiramdam na excited ka maging mommy, nangangarap ka na, iniisip mo na yung future tapos biglang mawawala lahat sa isang iglap. Minsan naiisip ko pa rin kung ano kaya itsura mo ngayon, paano kaya kita aalagaan, ano kaya tawag mo sakin. Ang daming what if na hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan. Sabi nila move on na raw dahil matagal na pero hindi naman ganon kadali kalimutan yung anak na minsan mong minahal kahit hindi mo man lang nahawakan. Kaya ngayong Mother’s Day gusto ko lang sabihin na para sa mga mommies na nawalan, nakaranas ng miscarriage, ectopic pregnancy o tahimik na umiiyak dahil may kulang sa puso nila, valid yung sakit natin. Valid tayong maging malungkot at valid din tayong tawaging mommy 🤍🕊️