Posted 2 weeks ago
26.41K followers
588.1K views
26.2K likes
767 comments
11.4K shares
[WARNING: SENSITIVE CONTENT] Viral sa social media ang isang video ng pagse-sermon ng doktor sa isang menor de edad na manganganak na. Maririnig sa video ang tila pangri-realtalk ng doktor sa buntis na menor de edad habang ito ay umiiyak. “Aray ka ng aray! Pero ‘nung ginagawa niyo ‘yan, sarap na sarap ka! ‘Tas ngayon dito ka mag-iinarte sa gobyerno! Wala ka nang pambili ng diaper! Wala pang asawa! Pabigat ka sa lipunan!” panenermon ng doktor. “Tiyagain mo ‘yung sakit, wala kang anesthesia para sa mga iresponsableng squatter na katulad mo!”, dagdag pa nito. Hindi naman nabanggit kung saang lugar o ospital nangyari ang insidente. Mayroon din namang netizens ang tila nagdududa na baka ito ay likha ng AI. Sa kabila nito, marami pa din ang tila nakaka-relate sa nasabing pangyayari. Ikaw ka-K5, tama kaya ang mga sinabi ng babaeng nasa likod ng video o tila napasobra ito? #k5newsfmkalibo #newsupdate #news #viral #viralreelsシ #foryoupagereels #foryoupageシ #CTTO #fyp #trending