548.05K views
47.08K likes
1.05K comments
1.19K shares

Grabe… pagkatapos kong mapanood ang larong ito, lalo akong humanga kay Rene. 🥹🏀 Makikita mo kung gaano niya kamahal ang basketball—kung paano niya ipinaglaban ang bawat possession at kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang mga teammates. Isa siyang batang nangarap nang mataas at ginamit ang kanyang talento at sipag para balang araw ay maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Napakasakit isipin na naputol nang napakaaga ang isang pangarap na napakalayo pa sana ang mararating. Ang dami pa sana niyang maaabot at maipagmamalaki para sa kanyang pamilya at para sa Pilipinas. Sa tuwing mapapanood ko ang mga laro niya, hindi ko maiwasang maisip: ang laki pa sana ng magiging kinabukasan niya. 😭💔🇵🇭 Sa mga nagtatanong o nagsasabing, “Ano ba ang ambag niya sa Pilipinas?” Isinuot niya ang jersey ng Pilipinas at buong pusong ipinaglaban ang bansa. 🇵🇭🏀 Ang kanyang three-pointer ay naging bahagi ng championship run ng Team Philippines sa 14th ASEAN Schools Games, kung saan nagkampeon ang Pilipinas. Isa iyon sa mga memorable highlights ng laban at patunay ng kanyang dedikasyon, husay, at pagmamahal sa pagre-representa sa ating bansa. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong katawanin ang Pilipinas sa international stage. Ginawa niya iyon nang may dangal, puso, at pagmamahal sa bayan. 💙🇵🇭 Sana ay makamit ng kanyang pamilya ang hustisyang kanilang hinihiling, at sana ay lumabas ang buong katotohanan. 🕊️🙏🏻🤍 #ReneBaterbonia #MrMVP #PrideOfTalacogonAgusanDelSur #JusticeForRene #fyp