Posted 2 weeks ago
701.48K followers
3.5M views
72.3K likes
1.09K comments
927 shares
Sabi ni Freddie dati. Pag dumating daw yung time na mas nauna sya kesa sa akin. Magluksa daw ako pero wag ko daw sasayangin ang buhay ko kakaiyak kasi hindi naman na daw sya babalik pa. Basta ang bilin nya ay sisiguraduhin kong mahal ako at hindi pagbubuhatan ng kamay. Pero hindi ko pa iniisip ang "asawa" ulit. Busy ako kakaayos ng kinabukasan ko. Sabi naman ni Freddie magluksa ako eh, hindi naman nya sinabi kung hanggang kailan lang dapat, so magluluksa ako ng magluluksa hanggang dalhin ako ng Diyos sa direksyon ng buhay ko na inilaan nya pa para sa akin. Pero ano pong ginagawa nyo ng 4:15pm kanina at naisipan nyo akong tanungin? 😅 Isa pa. May mga natatanggap din akong message na "Mag move-on kana at asawahin na lang kita" na para bang sya ang magdedesisyon. Sabi nga nung mga bata sa labas uhhhhhhlol. Nakakatawa na nakakaawa din, kasi akala ata nung mga tao pag widow kana, easy target ka na. Na kahit na basura yung mga itsura at ugali nila go kana. Malungkot lang po kami pero hindi naman po kami shunga. 🤭