Posted 2 weeks ago
193.91K followers
699.2K views
27.8K likes
399 comments
1.2K shares
Hindi ko alam kung may saysay pa ba ’tong post na ’to, lalo na sinabi mo na hindi mo na ako mapapatawad. Alam ko rin naman na wala akong karapatang umasa pagkatapos ng ginawa ko. Hindi na ako magdadahilan kasi kahit anong sabihin ko, hindi na mababago yung nangyari. Mali ako. Nag-cheat ako. At buong puso kong inaamin ’yon. Sobrang dami kong regrets. Paulit-ulit kong tinatanong sarili ko kung bakit ko nagawa ‘yon. Bakit hinayaan kong sirain yung taong nagmahal sa’kin nang totoo. Bakit mas pinili kong gumawa ng bagay na alam kong ikakasira nating dalawa. Ang daming “sana”… sana nag-isip ako, sana nakuntento ako, sana hindi ko sinayang yung pamilya na binuo natin. Pero huli na. Ang pinakamasakit, hindi lang ikaw yung nasaktan. Pati anak natin. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na dahil sa isang maling desisyon ko, nasira yung pamilyang pinangarap natin. Habang tumatagal, lalo kong nare-realize kung gaano kalaki yung nawala sa’kin dahil sa sarili kong pagkakamali. Sobrang sakit nung sinabi mo na hihintayin mo na lang na may dumating ulit sa buhay mo, at kapag dumating siya, tatanggapin mo na siya. Hindi ko maipaliwanag yung sakit na naramdaman ko nung nabasa ko ‘yon. Pero alam kong wala na akong karapatang pigilan ka. Ako mismo yung dahilan kung bakit umabot tayo sa ganito. Kung dumating man yung araw na may taong mamahalin ka ulit at ibibigay sa’yo yung pagmamahal na hindi ko naibigay, kahit sobrang sakit para sa’kin, wala akong magagawa kundi tanggapin. Kasi deserve mong mahalin nang tama. Hindi ako nagsusulat nito para maawa ka o para pilitin kang bumalik. Alam kong baka wala nang pag-asa para sa atin. Gusto ko lang malaman mo na totoong nagsisisi ako. Hindi dahil nahuli ako, hindi dahil natatakot akong mag-isa, kundi dahil ngayon ko lang talaga nakita kung gaano kahalaga yung sinayang ko. Hindi ko hinihingi na patawarin mo ako ngayon. Hindi rin ako humihingi ng second chance. Kung hindi na talaga ako yung gusto mong makasama habang buhay, rerespetuhin ko ’yon. Pero sana balang araw, kahit konti lang, mawala yung galit at sakit na ako rin ang may kasalanan. Sa anak natin, pangako ko na kahit anong mangyari sa atin, hindi magbabago yung pagmamahal at responsibilidad ko sa kanya. Gusto kong lumaki siya na alam niyang mahal siya ng tatay niya. Sorry. Alam kong sobrang liit ng salitang ’yan kumpara sa sakit na naibigay ko. Habang-buhay ko sigurong dadalhin yung guilt at pagsisisi sa ginawa ko. Salamat sa lahat ng pagmamahal, sa lahat ng effort, at sa pamilyang binuo natin. Ikaw pa rin yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko, at habang-buhay kong pagsisisihan na ako rin yung sumira sa lahat. Kung ito na talaga yung ending ng story natin, tatanggapin ko. Pero sana lagi mong tandaan na minahal kita, at habang buhay kong mamahalin ang anak natin. Patawad sa lahat. 🖤#drewchingoofficial